Sa 3rd floor ng Nagoya International Center ay may Silid Aklatan na kahit sino man ay malugod na makakagamit.
Ang silid aklatan ng NIC ay mayroong nga 28,000 na aklat at iba pang mga materyales na mahihiram, mula paperbacks at mga picture books sa wikang Ingles, Portuges at iba pang mga wika, hanggang sa mga mapagkukunan ng mga matututunang mga wikang Hapon.
Ang tulong sa paghahanap ng mga mapagkukunan ay maaring magtanong sa counter san a malapit sa pasukan. Mangyaring huwag mag atubiling magtanong sa mga staff kung kayo ay may hinahanap.
*Ang mga latest issue ng mga foreign magazines at newspapers ay mababasa sa Information Service Corner, mayron din sa 3rd floor.
Ang NIC Library ay pinapalakad kasama ng suporta ng maraming mga boluntaryo, mula sa pagbuo ng Catalogues at pagrehistro ng mga paperbacks, pagsasaayos ng mga aklat sa istante at iba pang mga tunkulin, sa paghahanda at pag-organisa ng Book Recycling Bazaar, paggawa ng mga display sa aklatan at marami pang iba. Nagtatanghal din sila ng mga pangkaraniwang masasayang mga ibento tulad ng pagbabasa ng mga Foreign Language Picture Books para sa mga bata.
Halina’t pumasok at tumingin.
Oras: Martes hanggang Linggo, 9:00 – 19:00
Sarado: Tuwing Lunes, Disyembre 29 hanggang Enero 3, at ang ika-2 araw ng Linggo sa Agosto at Pebrero.
Inquiries: NIC Library, Phone: 052-581-0102